Wednesday, May 30, 2012

CJ Corona, Convicted, GUILTY.

Matapos ang ilang buwang paglilitis at pag-iimbestiga kay Chief Justice Renato Corona, dumating rin ang araw na pinakahihintay ng taong bayan, ang Impeachment trial kung saan hahatulan na ng 23 Senator Judges kung guilty nga ba o hindi ang nasasakdal sa napapaloob sa Senate of Article II of the articles of impeachment.

Si CJ Renato Corona ay ang ika-23 Chief Justice ng Supreme Court sa Pilipinas matapos syang itinalaga ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Associate Justice noong ika-9 ng Abril 2002 at saka nanungkulan bilang pinakamataas na posisyon sa hudikatura noong ika-12 ng Mayo 2010 matapos magretiro si Reynato Puno.

Nagsimula ang mga kontrobersya sa kanya nang binigyan n'ya ng TRO si Gng. Arroyo upang makalabas ng bansa at sinasabing makapagpagamot sa kanyang sakit, na ayon naman sa mga eksperto, ay isang simpleng sakit na kayang kayang gamutin ng ating mga kababayang doktor dito sa Pilipinas. Malas nga lang ni CGMA, hinarang ito ng Department of Justice na pinangungunahan ni DOJ Secretary, Leila Delima. Kaya naman hindi natuloy ang muling pagtakas ni CGMA sa kanyang mga kasalanan dito sa bansa at kasalukuyang nagbi-bed rest sa ngayon sa kulungan na hindi naman masasabing nakukulong talaga sya).

Bilang isang mamamayang Pilipino, Para sa iyo? Saan ka papanig?

Sinasabi nga nina Sen. Miriam Defensor, Sen. Joker Arroyo, at Sen. Marcos na ang paratang para kay CJ Corona, ay hindi isang impeachable offense. Sapagkat, halos lahat naman daw ng mga politiko at mga nanunungkulan sa gobyerno ay hindi rin naman malinis. Sa katunayan, ay gumugawa pa ng mga estratehiya bago pa man mag deklara ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net worth. So bakit ba kailangang i-impeach pa si CJ? kaya ang kanilang hatol kay CJ ay HINDI GUILTY.

Ayon naman sa iba pang mga senador, may isang taga Davao na nagtatrabaho sa isang RTC branch at nahatulan ng parehong kaso at nasibak sa kanyang pwesto. isang maliit lamang na mamamayan na hindi rin nakapag deklara ng kanyang tindahan sa palengke ang nasibak. Kung kaya't ani Sen. Kiko, "Kung ano ang inihatol kay Juan, ganoon din dapat ang ihahatol kay Renato." isang katagang nagpaisip sa akin, oo nga naman. Kung ano ang kayang ihatol sa mga maliliit na mamamayan, ganoon din dapat sa mga naglalakihang tao sa bansang ito. Ganoon ang demokrasya, pantay pantay tayo. 

Hindi naman sinisira ang isang tao, kundi ang mga pagkakamali nito ay isinasaayos. Kung si CJ ay hindi naimpeach, kelan pa natin maaayos ang palakad sa gobyernong ito? Kung hindi kay CJ Corona magsisimula ang pagdedesisyon ng makatarungang paghahatol, kanino pa? maghihintay pa ba tayo ng panibagong Chief Justice na magkakaroon ng mas mabigat na pagkakamali o kasalanan?

Marapatin nating huwag na mag hintay ng mga panibagong magkakasakala ng mas malaki sa sambayaang Pilipino upang magkaroon ng isang malaking hakbang upang baguhin ito. What ever the law states, it is the law. No one is above the law. The law will always be the law. DURA LEX SED LEX, the law is harsh. But it is the law. Chief Justice Renato Corona, kami ay saludo sa iyong matapang na pagharap sa iyong mga dapat harapin. Nasibak ka man sa pwesto, iyon ay hindi isang kawalan. Dahil para sa sambayanang Pilipino, ito ay isang malaking kagaanan sa loob dahil ito ay isang mitya na ng unti unting pagbabago.

Ikaw? bilang isang simpleng tao, ano ang masasabi mo?

No comments:

Post a Comment